Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged

Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged

Simula na ang road to forever ng celebrity couple na sina Kim Molina, 33, at Jerald Napoles, 41.

Ito’y matapos mag-propose ni Jerald sa longtime girlfriend niyang si Kim sa loob ng PETA (Philippine Educational Theater Association) Theater Center sa Quezon City nitong Linggo, August 11, 2024, makaraan ang sampung taon nilang pagiging magkasintahan.

 

Sa video na in-upload ng Nice Print Photography sa TikTok, makikita ang pagkagulat ni Kim nang dumating siya sa PETA Theater Center at makitang puno ng dekorasyong bulaklak at ilaw ang stage habang may tumutugtog na saxophone.

 

Photo/s: @NicePrintPhoto Instagram

 

Sa harap ng entablado ay makikita ang neon led signage na may nakasulat na “WILL YOU MARRY ME?” na mas lalong nagpagulat sa aktres nang mabasa ito.

 

Bakas kay Kim ang magkahalong saya at pagkagulat, dahilan para siya ay mapaupo sa entablado habang humahagulgol sa iyak.

 

Photo/s: @NicePrintPhoto Instagram

Nagmamadali rin namang lumabas si Jerald, galing sa likod ng entablado para lumapit kay Kim at patahanin ito sa pag-iyak.

 

Photo/s: @NicePrintPhoto Instagram

 

“Sabi mo pictorial,” bungad ni Kim kay Jerald nang makita niya ito.

 

JERALD DECLARES LOVE FOR KIM

Matapos mapakalma buhat sa pag-iyak si Kim ay nagsimula na si Jerald na banggitin ang inihanda niyang speech sa nobya.

Ani Jerald, napili niyang mag-propose sa PETA Theater Center dahil ito ang eksaktong lugar kung saan sila unang nagkita at nagkakilala.

 

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na bago pasukin nina Jerald at Kim ang mundo ng pelikua at telebisyon ay una silang nakilala bilang mga artista sa teatro.

 

Sabi ni Jerald: “On this stage, exactly ten years, two months, and five days ago, we met for the first time without knowing each other.

 

“Saudi girl [Kim] and Tondo boy [Jerald], nag-duet agad tayo nang hindi man lang tayo nag-uusap, doon tayo nagkakilala.

“So this stage [PETA Theater] gave me a lot of things in my life.

“Progress, dreams, goals, career, a name [in the showbiz industry], family, friends, newfound friends, and of course, special someone.”

 

Sa panayam ng dalawa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 27, 2021, ibinunyag nilang nagsimula ang kanilang love story nang magkasama sila sa Rak of Aegis, ang critically-acclaimed musical play na unang ipinalabas noong January 2014.

 

LONGTIME PLAN

Sa inihandang speech ni Jerald, nabanggit din nitong matagal na niyang plano ang mag-propose kay Kim.

Sadyang hindi lang daw sumasakto ang kanyang timing sa mga araw na binabalak niyang lumuhod sa harap ng kasintahan.

 

Sabi niya: “Pasensiya na kung sampung taon ang inabot.

“Pinahilom lang siguro ng panahon, marami rin kasi tayong challenges kaya hindi rin matuluy-tuloy.

‘I’ve been planning to do this last year, supposedly on your birthday, but due to circumstances, hindi natuloy.

“And then I’ve planned to do this also on Christmas… and sa Coldplay concert kaso nagka-LBM [loose bowel movement] ka, so hindi rin natuloy.

“The final plan was supposedly kung natuloy tayo sa Europe.. .mas intimate sana kung tutuusin.

“[Pero] baka dito talaga itinadhana kung saan tayo nagsimula, kung saan mas sincere, actually, kung dito.”

 

Nagpasalamat din si Jerald kay Kim sa pagmamahal na ibinigay at ipinadama nito sa kanya sa loob ng isang dekada nilang pagsasama bilang magkasintahan.

Aniya, “Maraming-maraming salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo.

“Salamat sa pagsama sa akin sa loob ng sampung taon at sana magtuluy-tuloy pa.”

 

Sa puntong ito ay opisyal nang hiningi ni Jerald ang kamay ni Kim nang lumuhod siya sa harap nito at magtanong ng, “Will you marry me?”

Umiiyak naman itong sinagot ni Kim ng, “Yes!”

 

Photo/s: @NicePrintPhoto Instagram

 

ON JERALD BEING “THE RIGHT ONE”

Sa panayam ni Kim sa PEP Live noong January 17, 2023, buong pagmamalaki niyang sinabi na ang nobyong si Jerald ang itinuturing niyang “the right one” para sa kanya.

 

“Do you think Jerald is the right one?” diretsahang tanong kay Kim.

Mabilis na sagot ni Kim, “Yes, walang kaabog-abog, yes.

“Because we’re building our dreams together so I really felt he’s the one.”

Malaking bahagi raw si Jerald sa kung sino siya ngayon at naniniwala si Kim na ito ang taong nakalaan para sa kanya.

Sabi ni Kim, “Si Jerald ay boyfriend na sobra-sobra pa.

“Si Jerald ang boyfriend na inilaan para sa akin.”

 

#LegitOnlineCasino #PhilippinesCasino #LegitSlotGames #OnlineGame #OnlineCasino #LiveCasino #LegitSlot #OnlineBingo #LegitSlotGame #VideoGame #CockFight #SportGame #PhlCo  #PhlChat

Loading

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *