Tumanggi ang Vivamax star na si Jenn Rosa na ibahagi ang malungkot na karanasan niya sa buhay.
“Sa ngayon, may tamang time para sa lahat kasi gusto ko rin talaga na i-share yon at maka-inspire,” sabi niya sa media conference ng Backrider, ang bagong pelikulang pinagbibidahan niya at mapapanod sa Vivamax simula sa Agosto 13, 2024.
“Grabe yung pinagdaanan ko sa life, pero hindi ako naging bitter.
“Ginamit ko siya as purpose sa kung ano yung puwede kong magawa sa mga naranasan ko at maka-inspire sa mga tao na, ‘Guys, kaya natin ang lahat ng mga pagsubok sa life.’”
Read: Mark Anthony Fernandez, “binasted” ng Vivamax star
Gaano kasakit o kabigat ang mga karanasan niya?
Ayon kay Jenn, “Wala na akong family. Ulila na ako [sa magulang].
“Kamamatay lang ng kapatid ko noong 2022. Dalawa lang kaming magkapatid, so yun ang mabigat.”
JENN ROSA’S TATTOO
Takaw-pansin ang tattoo sa kaliwang braso ni Jenn Rosa.
Nang tanungin ng Cabinet Files kung may masaya o malungkot na kahulugan ang kanyang tattoo, “Pareho” ang reaksiyon niya.
Inamin ng Vivamax sexy star na pinagsisisihan niya ang pagpapa-tattoo sa pangalan at mukha ng dating karelasyon.
“May masaya, may malungkot din naman,” sabi ni Jenn.
“Ang kuwento talaga niyan, name at mukha siya ng ex-boyfriend ko. Pinatakpan ko na ang tattoos nang maghiwalay kami.
“Masaya siya kasi marami akong natutunan, nagmahal ako, maaga akong natuto.
“Malungkot kasi hindi lahat nagtatagal. Nagsisi ako.
“Sana wala na lang akong tattoo. Pero actually, dito rin ako nare-recognize ng mga tao.
“Minsan, yung mukha ko hindi nila nakikilala, pero nakikilala nila ako dahil sa tattoo ko.
“So, feeling ko, ito yung nakadagdag sa pagiging unique ko, yung tattoo ko.”
Pinatakpan ni Jenn ng koi fish at bulaklak ng chrysanthemum ang tattoo ng mukha at pangalan ng ex-boyfriend niya, patunay na nakausad na siya mula sa kanyang nakaraang pakikipagrelasyon.
Saad niya, “Koi fish dahil lucky at chrysanthemum dahil lucky flower ko.
“Nagpalagay rin ako sa likod ng geisha tattoo na professional entertainer ang meaning.
“Naghanap ako ng magandang tattoo, gusto ko may meaning.
“Puwede naman akong maging professional entertainer kasi sa mga artista, parang professional entertainer na rin kami.”
#LegitOnlineCasino #PhilippinesCasino #LegitSlotGames #OnlineGame #OnlineCasino #LiveCasino #LegitSlot #OnlineBingo #LegitSlotGame #VideoGame #CockFight #SportGame #PhlCo #PhlChat